IMBES na matuldukan, mas lumalala pa ang kalagayan ng sektor ng mga manggagawang Pilipino bunsod ng polisiyang pumapabor sa mga employers sa halip na obrero.
Sa isang pahayag, nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na wakasan ang “labor contractualization” na aniya’y nagkakait ng “security of tenure” at iba pang benepisyo sa mga manggagawang Pilipino.
“The pandemic of “Endo” (end of contract) and other contractual work is now growing,” ani ni TUCP partylist Rep. Raymond Mendoza bilang paunang pasabog bago ang taunang paggunita ng Araw ng mga Manggagawa sa Mayo 1.
Partikular na sinisi ng militanteng kongresista ang umano’y anti-union policies ng Alliance for Industrial Peace and Program (AIPP) na dating kilala bilang Joint Industrial Peace Council (JIPCO).
“The AIPP is nothing more than an instrument of state to send a chilling effect to the labor movement. Lest we misunderstand de facto state policy,” ayon sa nasabing grupong tumutukoy sa lima hanggang anim na buwang kontratang pinipirmahan ng mga aplikante.
Sa ilalim ng iskemang endo, napagkakaitan ng makatarungang sahod at karampatang benepisyo ang mga empleyadong sinisibak bago pa man umabot sa anim na buwan, sa hangaring makatipid at maiwasan ang pagbubuo ng union sa hanay ng mga manggagawa.
“Organized to counter radical unionism, it is now a device to discourage workers from freely associating and deny them the chance to bargain for better wages, better terms and conditions of work and for regularization.”
Sa tala ng Department of Labor and Employment (DOLE), naghain na ng petisyong dagdag-sahog ang mga grupong manggagawa mula sa 10 rehiyon, kabilang ang National Capital Region (NCR), Region IV-A, 5, 7, 9, 10, 11, 12, at 13.
Gayunpaman, wala ni isa sa mga inihaing petisyong dagdag sahod ang inaksyunan ng mga regional wage boards.
“Both the Department of Labor and Employment (DOLE) and Regional Wage Boards are bound themselves in bureaucratic delay, countless rounds of hearing, and the clear politicking of merely dangling the hope that wage orders will be issued. In the jargon – dinidribol lang tayo.” (BERNARD TAGUINOD)
