POLITIKONG ‘EPAL’ PINUNA NG MALAKANYANG

WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para ibalandra ng mga opisyales ng gobyerno ang kanilang pagkakakilanlan habang nagbibigay ng ayuda sa mga nangangailangan.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, walang sinomang politiko ang dapat umangkin ng kredito sa gitna ng ginagawang pagtulong ng pamahalaan sa taumbayan ngayong panahon ng krisis.

Ang katuwiran ni Sec. Panelo ay hindi naman galing sa kanilang bulsa ang ipinagkakaloob nilang tulong sa kanilang constituents at sa halip, iyon ay galing sa pera ng pamahalaan.

Kaya, walang pamumulitikang dapat na mangyari lalo na sa panahong ito at ito aniya ang ayaw ding mangyari mismo ng Pangulo.

Sa ulat, may ilang mga tulong na ibinibigay sa mga tao ang may nakalagay pang pangalan ng politiko gaya ng food packs, alcohol at maging face mask. CHRISTIAN DALE

290

Related posts

Leave a Comment