NAKIISA ang mga tindero at tindera ng baboy sa lungsod ng Maynila sa inilunsad na “pork holiday” kaugnay sa ipatutupad na price ceiling ng Department of Trade and Industry sa presyo ng karne ng baboy at manok.
Nabatid sa mga vendor ng baboy na maaring hindi muna sila magtitinda dahil wala rin naman silang tutubuin at wala silang makukuhang supply dahil makikiisa ang kanilang supplier sa “pork holiday”.
Ayon pa sa mga ito, hindi lang tindero’t tindera ng baboy ang makikiisa sa “pork holiday ” kundi maging ang ilang manininda ng manok dahil sa P180 ang benta nila kada kilo gayung P160 ang ipatutupad na price ceilings.
Uulamin na lamang umano nila ang mga natira nilang manok kesa ibenta nang palugi.
Kaugnay nito, sa Quezon City, namataan ang ilang meat shop na nagtitinda ng baboy sa labas ng bisinidad ng Galas Public Market sa ibinabang presyo na P389 kada kilo. (RENE CRISOSTOMO)
210 