PORT OF DAVAO NAGHIGPIT VS COVID-19

NAGHIGPIT na ang Bureau of Customs (BOC) sa operasyon nito upang maiwasan ang pagkalat at makahawa sa mga tao sa bansa ang coronavirus o COVID-19.

Nauna rito, ang Department of Health (DOH) ay nag-isyu ng interim guidelines upang mapamahalaan ng maayos at matugunan ang banta ng COVID-19 sa ibat-ibang areas/institutions partikular ang seaports.

Kaya naman nagpalabas ang BOC ng guidelines base naman sa kautusan ng DOH.

Nakasaad sa guidelines Department Circular No. 2020-0034 na ang lahat ng cruise ship na may pasahero mula sa China, Macau at Hong Kong sa nakalipas na 14-araw ay hindi maaaring payagan na dumaong sa mga pwerto ng bansa.

Lahat ng cruise ship na hindi tinawag sa ports of China, Macau at HongKong SAR ay kailangang isailalim sa complete screening measures para sa Maritime Declaration of Health.

Lahat ng cruise ships na papayagang dumaong ay kailangang magdeklara ng lahat ng kanilang travel itineraries sa Pilipinas.

Samantala ang lahat ng cargo vessel na nagmula sa China, kasama ang HongKong at Macau sa nakalipas na 14-araw ay kailangan din i-quarantine.

Layon ng ipinalabas na kautusan na huwag kumalat o makahawa ng virus sa mga Pinoy. BOY ANACTA

 

312

Related posts

Leave a Comment