PORT OF LEGAZPI, PORT OF CEBU PANALO SA TARGET COLLECTION

NAITALA ng Bureau of Customs (BOC) na positibong nalagpasan ng dalawa nitong port sa south ang kanilang target collection para sa buwan ng Enero ngayong taon.
Sa ulat ng Port of Legazpi nitong Enero 29, 2020, noong Enero 24 pa lang ay may koleksyon na sila na umaabot sa P60,539,100.00 habang ang kanilang target ay P50,000,000.

Ayon sa report na natanggap ng Bureau of Customs -Statistics Analysis Division, ang Port of Legazpi ay nag-post ng kanilang kabuuang koleksyon na P60,539,100.00 kung kaya’t lagpas na P10,539,100.00 o katumbas ng 21.08% ang kanilang koleksyon kontra sa kanilang orihinal na target na P50,000,000.

Nabatid na ang collection performance ng nasabing port ay tumaas ng 118.26% o katumbas ng P32,802,293.00 kung ikukumpara sa actual collection na P27,736,807.00 ng parehong buwan noong nakaraang taon.

Ayon kay Acting District Collector Alexander M. Go, ang significant increase ng kanilang koleksyon dahil sa importasyon ng bigas sa ilalim ng Rice Tarrification Law na kung saan ay nasa 96% ang kabuuan ng koleksyon para sa Enero 2020.

Nakapagtala rin ng magandang koleksyon para sa buwan ng Enero 2020 ang Bureau of Customs Port of Cebu.

Sa kanilang report noong Enero 31, 2020, ang Port of Cebu ay nakakolekta ng P2,894,650,836.66 na lumagpas ng P25 milyong sa kanilang target collection na P2,869, 277,855.37 para sa nasabing buwan.

Sa kabila ng P360 milyong pagtaas ng kanilang collection target kung ikukumpara sa buwan ng Enero noong nakaraan taon, ang port ay nakalagpas sa kanilang collection target dahil sa suportang kanilang stakeholders at dedikasyon ng mga opisyal at tauhan ng nasabing puerto.

Ang koleksyon ng dalawang ports ay malaking ambag sa kabuuang koleksyon ng Bureau of Customs (BOC) para taong 2020. (Jo Calim)

160

Related posts

Leave a Comment