NORTH COTABATO – Mahigit sa tatlong libo na ang nagpositibo sa COVID-19 sa buong Region 12.
Ito ay makaraang maitala ng Department of Health ang 57 bagong pasyente sa COVID-19 tracker. Dahil dito, mayroon nang 3,068 confirmed cases ang Soccsksargen.
May 48 pasyente naman ang gumaling at nakauwi na sa kanilang mga tahanan mula sa isolation centers. Kaya hanggang noong Biyernes ng gabi, ang total number ng recovered patients ay umabot na sa 2,285.
Dalawa naman ang iniulat na binawian ng buhay. Kabilang sa dalawa ang isang 64 -anyos na lalaki na taga Polomolok, South Cotabato na pumanaw dahil sa acure respiratory failure at isang 28-anyos na lalaki na taga Gen. Santos City.
Ang taga GenSan ay nakaranas ng cardiovascular arrest at COVID-19 positive.
Sa 48 na gumaling, 15 ang mula Gen. Santos City, 14 ang taga Cotabato City, 13 ang taga South Cotabato, tig-isa sa Sarangani at North Cotabato at dalawa mula sa Sultan Kudarat. (BONG PAULO)
404
