PRICE FREEZE SA MGA BINAGYONG LUGAR, TINIYAK

TINIYAK ng Malakanyang na walang magaganap na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng state of calamity dahil sa matinding pananalasa ng bagyong Ulysses.

“Pinapaalalahanan din ang Department of Trade and Industry na base sa Republic Act 7581 o ang Price Act, ang presyo ng mga bilihin [sa mga lugar under state of calamity] ay frozen sa kanilang prevailing prices sa ilalim ng automatic price control sa loob ng 60 araw,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque sa isinagawang National Disaster Risk Reduction and Management Council briefing.

Sinabi ni Sec. Roque na kabilang sa mga lugar na nakataas at dapat na ipatupad ang price freeze ay ang Batangas, Cavite, Catanduanes, Mindoro, Palawan at Camarines provinces, at maging sa Marikina City.

Sa ilalim ng Section 6 ng Price Act, “if the prevailing price of any basic necessity is excessive or unreasonable, the implementing agency may recommend to the President the imposition of a price ceiling for the sale of the basic necessity at a price other than its prevailing price.” (CHRISTIAN DALE)

199

Related posts

Leave a Comment