PRINSIPYONG TAPAT, HINDI KORAP IPAGPAPATULOY SA MAYNILA – MAYOR HONEY

“TAPAT, totoo…. hindi korap, hindi manloloko, hindi mang-iiwan.”

Ito ang prinsipyong ipagpapatuloy ni Manila Mayor Honey Lacuna, at ng buong Asenso Manileño, isang pangako na kanilang binitawan sa harap ng Loreto Church sa Sampaloc nang pangunahan niya ang buong tiket ng Asenso Manileño sa simula ng unang araw ng kampanya noong Biyernes.

“Tatlong taon na ang nakaraan, dito sa lugar na ito tayo nagsimulang mangarap at unang gumawa ng kasaysayan. Ngayon, narito na naman tayo, na muling humaharap sa Diyos at sa inyo. Dito sa Sampaloc, kung saan unang minahal ng mga batang Sampaloc, ang kanilang konsehala, ang inyong doktora, ang ginawa ninyong kauna-unahang babaeng alkalde, ng lungsod ng Maynila,” pahayag nito.

Si Lacuna, na siyang namumuno sa Asenso Manileño, na muling dineklara ng Commission on Elections (Comelec) bilang ruling dominant party sa Manila, ay sinamahan ng kanyang kaalyado at incumbent Vice Mayor Yul Servo, lima sa anim na incumbent Congressmen at majority ng members ng Manila City Council.

“Ang Maynila natin ay puno ng pangako at pag-asa,” pahayag ni Lacuna sa harap ng 12,000 taga-suporta na dumalo sa jam packed proclamation rally sa Earnshaw area kasama na ang mga bangketa.

(JESSE KABEL RUIZ)

28

Related posts

Leave a Comment