PRIVACY SA PHONE, ISSUE BA?

Ni Ann Esternon

 

Batid natin na hindi lahat ng uri ng relasyon ay pare-parehas, kaya may nagtatagal at hindi nagtatagal.

Sa usaping personal na kagamitan ng bawat partner sa isang relasyon, issue ang hawakan ang phone ng may phone.

Bakit mo ba hahawakan ang phone (o anumang gadgets) na hindi sa iyo?

Sa obserbasyon, tatlong bagay kapag “nangialam” ka ng gamit ng iba: duda ka, panloloko, at panghuhusga.

Kapag hiningi ng tao ang privacy sa kanyang mga gamit, hindi ibig sabihin ay may itinatago na siya.

Kapag nakaramdam ka na kailangan mong hawakan ang phone ng karelasyon mo, maaaring issue ‘yan. Kapag nakaramdam siya na dapat niyang makita ang phone mo, issue rin ‘yan. Anong dapat gawin? Upuan ang problema at mag usap.

Walang iniwan ‘yan sa pagbukas ng personal computer, sa mga sulat, o wallet.

Kung may basbas na hawakan mo ang phone niya, maganda. Pero kung wala naman, irespeto mo – kanya niya ‘yun at personal na gamit niya.

473

Related posts

Leave a Comment