(NI JESSE KABEL)
LABING ISANG tripulante at 42 pasahero ang nailigtas ng mga kagawad ng Philippine Navy habang nagpapalutang-lutang lulan ng isang lantsa sa karagatang sakop ng Tawi – Tawi
Sa ulat ng PN, nirespondehan ng Naval Task Group Tawi-Tawi, sa ilalim ng Joint Task Force Tawi-Tawi ng Western Mindanao Command, ang distress call hinggil sa 53 crew at pasahero ng isang Motor Launch (M/L) boat nitong Martes.
Ayon sa Philippine Navy matapos makatanggap ng distress call ang Western Mindanao Command ay agad din nagsagawa ng rescue operation ang isang Multi-Purpose Attack Craft (MPAC) ng Navy.
Ang motor launch boat ay nakarehistro bilang M/L YASDA II at bago ang rescue operation ay inatasan ng Commander Naval Task Group Tawi-Tawi ang isang PN vessel na magsagawa maritime patrol operations at magkaloob ng tulong /rescue operations sa M/L YASDA II.
Nasira ang engine transmission ng lantsa nagpalutang lutang na lamang ito sa bisinidad ng South East ng Bongao, Tawi-Tawi.
222