AFP, PNP MAGDE-DEPLOY NG PWERSA SA CEBU

BUNSOD nang lumalaganap na coronavirus disease 2019 sa siyudad ng Cebu, nakatakdang mag-deploy ng dagdag na mga tauhan ang Armed Forces of the Philippine upang matiyak na maipatutupad ang health and quarantine protocol para maiwasan ang lalo pang pagkalat ng nasabing nakamamatay na sakit.

Ito ay kasunod nang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Environment Secretary Roy Cimatu na pangunahan ang pangagasiwa sa kampanya ng gobyerno laban sa COVID-19 sa nasabig lungsod

Kahapon, inihayag ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na magpapadala sila ng karagdagang pwersa ng mga sundalo at kagawad ng PNP sa Cebu City para tumulong sa pagpapairal nang mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) protocols sa siyudad.

Paliwanag ng kalihim, kailangan ang dagdag na pwersa ng militar at pulis para matiyak na mananatili sa kanilang mga bahay ang mga residente sa panahong umiiral ang lockdown.

Nabatid na umakyat na sa mahigit 4,000 ang active cases ng COVID-19 sa siyudad at maaari pang tumaas ito dahil sa tigas ng ulo ng ilang mga residente at maluwag na implementasyon ng quarantine protocols.

Ipinag-utos din na suspindehin pansamantala ang lahat ng quarantine pass sa Cebu at tanging ang essential workers lamang ang pinapayagang lumabas ng bahay.

Napag-alamang gagayahin sa Cebu ang ginamit na quarantine protocols ng IATF sa Metro Manila na ngayon ay nasa general community quarantine status na.

Babala ng DILG, hindi dapat maulit nangyaring nagkaubusan ng cadaver bags, napuno ang crematorium at ang mga doctor, nurses at healthcare workers ay nahawaan ng virus.

Bukod sa dagdag na pwersa ng mga pulis at sundalo na idi-deploy sa Cebu, magkakaroon din ng augmentation mula sa Department of Health (DOH) nang sagayon ay makapagpahinga ang mga doktor.

Tiwala naman si DENR Roy Cimatu, itinalagang chief implementer ng National Task Force Against COVID-19 sa Central Visayas, na magiging matagumpay ang kampanya ng pamahalaan.

Positibo ang pananaw ni Cimatu na sa kanyang bagong assignment ay masosolusyunan ang tumitinding mga kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Cebu. (JESSE KABEL)

88

Related posts

Leave a Comment