(NI ABBY MENDOZA)
NASA Philippine Area of Responsibility(PAR) na ang bagyong ‘Chedeng’ na inaasahang magla-landfall sa Davao Oriental sa Lunes ng gabi o Martes ng umaga.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa), pumasok ng PAR ang tropical depression ‘Chedeng’ taglay ang lakas ng hangin na 45 kph at bugso na 60 kph. Huli itong namataan 980 km East ng Mindanao.
Asahan umano ang kalat-kalat na pag-uulan sa Davao Oriental, Surigao del Sur at ilang bahagi ng Mindanao.
Inabisuhan ng Pagasa disaster risk reduction and management office at mga residente sa daraanan ng bagyo na mag-ingat sa posibleng pagbaha at landslide.
Ipinagbabawal din ang paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat.
Sa weather bulletin ng Pagasa, sinabi nito na kung patuloy na kikilos ng 25 kph ang bagyo ay maaari itong tumama sa lupa sa Davao Oriental subalit kung magbabago ng direksyon ay maaaring humina ito at maging isang low pressure area na lamang bago tumama sa lupa.
156