BULKANG MAYON MULING NAG-ALBURUTO

mayon200

MULING nagbuga ng abo kahapon ang Bulkang Mayon subalit ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) walang dapat na ipangamba dahil walang dahilan para itaas ang alert level nito.

Ayon kay Phivolcs resident volcanologist Ed Laguerta, mananatili sa Alert Level 2 ang alert status sa Bulkang Mayon na nangangahulugan na nasa moderate level of unrest.

Paliwanag ni Laguerta saglit lamang ang naging pagbuga ng abo na nagsimula alas 8:30 ng umaga at natapos  makalipas ang 15 minuto. Ani Laguerta, mababaw lamang ang pinangagagalingan ng abo at hindi galing sa ilalim kaya inaasahan nilang hindi magtatagal ang pagbuga nito ng abo.

Patuloy na pinaiiral ang seven kilometer radius permanent danger zone sa paligid ng bulkan at pinaalalahanan ng Phivolcs ang mga residente na maging alerto sa posibleng biglaang pagsabog, lava collapses, pyroclastic density at ash fall sa itaas hanggang sa gitnang slope ng Mayon.

 

483

Related posts

Leave a Comment