‘CHEDENG’ BAHAGYANG BUMAGAL; SIGNAL NO 1 NA LUGAR NADAGDAGAN

pagasa12

NAPANATILI ng bagyong ‘Chedeng’ ang kanyang lakas ngunit bahagyang bumagal, ayon sa weather bureau. Ayon sa Pagasa, nakita ang sentro nito sa may 650 km silangan ng Davao City na may taglay na hangin ng hanggang 45 kph at pagbugso ng 60 kph.

Nakataas pa rin sa tropical cyclone warning signal No. 1 ang Davao Oriental, Compostela Valley, Davao del Sur, Davao City, Davao Occidental, timog bahagi ng Davao del Norte kabilang ang Samal Island, Eastern part ng North Cotabato at silangang bahagi ng Sarangani.

Inaasahang maglalandfall si ‘Chedeng’ sa silangang karagatang sakop ng Davao Oriental Martes ng umaga.

Binalaan din ng Pagasa ang ibayong pag-iingat ng mga residente na naninirahan sa mga lugar na dadaanan ng bagyong ‘Chedeng’.

12

Related posts

Leave a Comment