DENGUE HOTSPOTS SA BUTUAN, 20 BGY APEKTADO

dengue1

NASA 20 barangay na sa Butuan City ang idineklarang dengue hotspots base na rin sa inspeksiyon na ginawa ng Deparment of Health (DoH)-Caraga.

Kasama ang mga local officials, idineklarang dengue hotspots ang Barangay  Bading, Libertad, San Vicente, Villa Kananga, Ambago, Mahogany, Obrero, JP Rizal, Limaha, Bonbon, Golden Ribbon, Tandang Sora, Baan Riverside, Agusan Pequeño, Maug, Taguibo, Buhangin, Baan Km. 3, Ampayon at Doongan.

Ayon kay Butuan City Councilor Cherry Mae Busa, chair ng Committee on Health ng Sangguniang Panlungsod, ang deklarasyon ay kasunod ng patuloy na pagdami ng mga kaso ng dengue sa nasabing mga barangay.

Napag-alamang hanggang ngayon puno pa rin ang mga ospital sa lungsod dahil sa dami ng mga na-admit dahil sa naturang sakit.

139

Related posts

Leave a Comment