(NI JG TUMBADO)
MAY interes umano ang Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad na pag-take over ng gobyerno sa operasyon ang nabangkaroteng Hanjin Heavy Industries and Construction Corporation-Philippines sa Zambales Peninsula.
Ang nabanggit na shipyard ang isa sa mga dating pinaka-malaking investor sa loob ng Subic Bay Freeport at ikalawa sa pinaka malaking ship building company sa mundo.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana maaaring sa nasabing shipyard gawin ang mga barko para sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard.
Nauna ng napag-usapan ang posibilidad ng pag takeover sa budget deliberation sa Senado.
Noong isang taon ay umabot sa 7,000 mga empleyado ang Hanjin ang inalis sa trabaho makaraang magdeklara ng pagkalugi ang nasabing South Korean firm.
Ngayong taon ay inaasahang aabot sa 3,000 mga dagdag na manggagawa ang posibleng mawalan rin ng trabaho base sa pagtaya ng Department of Labor and Employment.
Ipinaliwanag din ni Lorenzana na pag-aaralan ng mga economic managers ng Pangulo kung viable ang nasabing plano dahil umaabot sa $430 Million ang utang ng Hanjin sa mga lokal na bangko sa bansa.
Lumutang din ang posibilidad na kukunin mula sa pondo sa P75 bilyon na nakitang insertion sa panukalang 2019 national budget.
Nauna rito ay naghayag rin ng interes sa Hanjin takeover ang ilang private bank sa bansa maging ang ilang mga negosyante mula sa China.
117