EX MAYOR, LIDER NG PRIVATE ARMY, ARESTADO SA MGA BARIL

maguindanao12

(NI BONG PAULO)

ARESTADO ang dating alkalde sa bayan ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao at itinuturing na lider umano ng private armed group, matapos halughugin ng mga otoridad ang bahay nito at nakuhanan ng mga illegal na baril sa Brgy. Upper Capiton sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, nitong Biyernes ng madaling araw.

Sinalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation an Detection Group o CIDG-BARMM ang bahay ng suspek na si Ibrahim ”Datu Manot” Sinsuat Jr. sa Brgy. Upper Capiton ng nabanggit na bayan sa bisa ng search warrant na inisyu ni RTC 12 Branch 16 Judge Alandrex Betoya.

Nakuha mula sa bahay ni Sinsuat ang isang M16 Bushmaster, Isang 9MM Jericho Pistol, isang cal. 45 na pistola, mga bala at mga magazine.

Nanguna sa raid si CIDG – BARMM Maguindanao Provincial Field Unit Commander, Police Major Esmail Madin, dakong alas-5:30 ng madaling-araw.

Hinihinalang lider umano ng isang private armed group si Datu Manot Sinsuat kaya marami itong mga armas na itinatago.

Mariin namang itong pinabulaanan ni Sinsuat at iginiit na lisensyado ang kanyang mga armas.

Sa ngayon ay nakaditine ang suspek at asawa sa CIDG-BARMM at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms Ammunitions.

175

Related posts

Leave a Comment