FAJARDO/ATIENZA KIDNAP CASE: GRUPO TINUTUTUKAN NA NG NBI

fajardo kidnapping123

(NI JULIE DUIGAN)

ILAN sa saksi ang magiging susi ng National Bureau of Investigation (NBI) sa umano’y paglalarawan sa mga lalaking dumukot sa nawawalang si Allan fajardo at sa bodyguard nito na si Ricky Atienza na pawang naka-full battle gear at ang kilos na mistulang dumaan sa  tactical training.

Ito ang napag-alaman kay  NBI-Special Action Unit, na umano’y may persons of interest at lead na sila  sa pagdukot kay Fajardo subalit hindi muna sila maaring magdetalye upang hindi masunog ang ikinakasang pagkilos.

Hawak na rin ng NBI-SAU ang kopya ng closed circuit television (CCTV) footage para maimbestigahan kung may makikitang palatandaan ng mga suspek at sasakyang ginamit nila.

Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio na posibleng mga pulis ang nasa likod ng pagdukot sa kay . Fajardo at nanawagan siya na sinuman ang may alam at makapagbibigay ng impormasyon para matagpuan ang kliyente ay may nakalaang P2-milyon.

Ibinase ni Topacio ang pahayag sa napanood niyang kuha ng closed circuit television (CCTV) sa  loob ng Misto Restaurant sa Seda Nuvali Hotel, sa Sta Rosa, Laguna noong Abril 3, may isang linggo na ang nakaraan.

Nabatid na si Fajardo ay dating  assistant ng napaslang na si dating Tanauan City Mayor Antonio Halili.

Dating naging lider ng Halili’s  anti-crime group  si Fajardo sa panahon ni Mayor Halili.

Wala umanong kasong nakasampa at nakabinbing kaso  o warrant of arrest laban sa kaniyang kliyente.

Noong Lunes, inihayag ni Topacio na kakasuhan ng pamilya Fajardo ang nasabing hotel kaugnay sa pagdukot sa kaniyang kliyente at sa bodyguard nito dahil sa kakulangan ng security measure s  sa naging kaganapan sa loob ng kanilang establisyemento .

Nabatid na may lumutang na mga testigo na nagbigay ng impormasyon hinggil sa pangyayari  ng pagtangay ng nasa 15 armadong kalalakihan sa mga biktima.

Nang dumating umano ang mga lalaking armado na hindi mamukhaan dahil sa  full battle gear at nakatakip ang mga mukha  at nakita pa na pinili lamang ang dalawang tinatangay, matapos diasmarahan ang mga guwardiya at padapain lahat ng tao sa nasabing hotel restaurant.

Inaalam din kung may kinalaman ang isang di pa tinukoy na taong dapat ay ka-meeting ni Fajardo sa nasabing hotel na hindi naman lumutang ng gabing iyon.

Isasailalim din sa forensic examination ng NBI  ang naiwang sasakyan ni Fajardo sa restaurant sakaling may makitang kakaibang fingerprints.

180

Related posts

Leave a Comment