INDON HOSTAGE NG SAYYAF NA-RESCUE NG MILITAR

sulu

(NI JESSE KABEL)

MATAPOS ang mahigit apat na buwang pagkakabihag, na-rescue ng military ang Indonesian hostage ng mga bandidong  Abu Sayyaf sa Sulu sa ulat ng Western Mindnao Command kahapon.

Ayon kay Col Gerry Besana, taga pagsalita ng WESMINCOM, si Juragan Kapal Samsul Saguni ay nailigtas sa pakikipag ugnayan  kay dating  Sulu Governor Abdul Sakur Tan, ng mga tauhan ng 41st Infantry Battalion, 5th Infantry Division, Philippine Army at nang bagong tatag na  11th Infantry Division, Philippine Army.

Nabataid na dinala si Saguni sa bahay ni Sakur Tan sa Poblacion, Maimbung, Sulu bandang alas  4:30 hapon ng Martes. Ang biktima ay dinukot ng ASG noong  September 11, 2018, kasama ang isa pang Indonesian na si Usman Yunos, habang sakay sila ng Malaysian fishing/travel vessel, sa karagatang sakop ng  Semporna, Sabah.

Ang 35 anyos na si Yunos ay nauna nang na-rescue ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team 3, Philippine Marine Ready Force Sulu at  Sulu Provincial Police Office noong   December 6, 2018.

Si Sagun ay isinailalim ng  Joint Task Force Sulu sa  custodial debriefing sa  JTF Sulu headquarters sa Barangay Bus-bus, Jolo, Sulu.

Una rito sumailalim muna sa  medical check-up sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital sa  Barangay Bus-bus at ayon kay Brigadier General Divino Rey Pabayo, Jr., maayos naman ang kalusugan ng biktima.

Ayon kay Brigadier General Pabayo, Jr. may hawak pang limang banyaga at tatlong Filipino na bihag ang ASG sa area ng Sulu.

“Our Joint Task Force Sulu is committed in rescuing captives of the Abu Sayyaf and in ending the terrorist group’s kidnap and ransom ploys through the consistent conduct of counter operations against the militants and through the strengthened cooperation with the local government and the people of Sulu to encourage the capitulations of the rest of the Abu Sayyaf militants,” pahayag ni  Lieutenant General Arnel Dela Vega, the commander of the Western Mindanao Command.

157

Related posts

Leave a Comment