MAG-AMANG GARIN NASAAN NA?

garins

HINAMON ng National Police Commission (Napolcom) ang mag-amang Garin na lumutang sa publiko at harapin ang mga kaso at akusasyong ibinabato sa kanila.

Sinabi ni Napolcom Region 6 director Atty. Joseph Celis na kung walang kasalanan si Guimbal Iloilo Mayor Oscar Garin at anak na si Iloilo 1st District Rep. Richard ay dapat sagutin nila ang mga batikos na hinaharap.

Gayong isinauli na ng mag-ama ang kanilang mga armas, kung saan ilan ay may paso nang lisensiya, hindi pa rin naglalabas na pormal na statement ang mag-ama na inireklamo sa pambubugbog, pagposas at panghihiya kay PO3 Federico Macaya sa harap ng maraming tao sa bayan ng Guimbal, Iloilo.

Matinding ikinagalit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inasal ng mag-ama na sinasabing naghahari sa kanilang lugar. Marami pa umanong nabiktima ang mga Garin sa nasasakupan ngunit natatakot umano sa kanilang kaligtasan kaya’t hindi makapagreklamo sa awtoridad.

Hanggang ngayon o halos dalawang linggo na ang nakalilipas nang pumutok ang balita ay hindi na mahagilap ang mag-ama. Nangako naman ang mga sangkot na ahensiya na hindi nila palalagpasin ang pang-aabuso sa kapangyarihan na ginawa ng mga Garin.

13

Related posts

Leave a Comment