MT. APO TRAIL SA DAVAO ISINARA

mt apo12

(NI BONG PAULO)

TULUYAN nang isinara sa mga hikers ang trail sa Davao area para sa pag-akyat sa Mt. Apo.

Simula nitong Lunes, April 1 ay pansamantalang sarado ang Mt. Apo para sa mga hikers.

Layon nito na maiwasan ang mga posibleng forest fires na magaganap sa taas ng bundok dala ng matinding init ng El Niño.

Napag-alaman na nagpalabas ng temporary closure order ang Protected Area Management Board (PAMB) noong March 28 para ipasara ang Sta Cruz Davao del Sur trails na nakasasakop sa Sta. Cruz, Bansalan at Digos.

Sa ilalim ng kautusan, bawal ang climbing, trekking, camping at iba pang aktibidad.

Nauna na ring isinara ang North Cotabato trails noong March 7. Magugunitang nasunog ang daan-daang ektaryang bahagi ng Mt. Apo noong 2016. Ang mga nagplano na ng trips sa Mt. Apo ay pinayuhang kumuha ng refund o hindi kaya ay magpa-reschedule.

May karampatan ding parusa ang sinumang lalabag sa kautusan ng PAMB na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9237 o Mt. Apo Protected Area Act of 2003.

129

Related posts

Leave a Comment