P7.7-B NLEX PROJECTS MAGPAPALUWAG NG TRAPIKO SA METRO

nlex55

(NI ELOISA SILVERIO)

ISINASAGAWA ang mga major road projects ng NLEX Corporation na nagkakahalaga ng  P7.7 billion na siyang magpapagaan ng daloy ng trapiko sa Metro Manila at key areas sa NLEX-SCTEX network.
“A number of projects are simultaneously being implemented in our expressway network in order to ease traffic and prioritize the safety and convenience of our motorists,” ayon kay NLEX Corporation President at General Manager J. Luigi Bautista.
Ang mga makabuluhang pagawaing proyektong ito ay kinabibilangan ng mga bagong interchange, bridge rehabilitation sa gawing lalawigan ng Bulacan at mga karagdagang expressways.

Ilan sa mga projects ng NLEX na katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay maghahatid ng mas maayos at magaang na biyahe sa mga motorista at makatutulong din sa komunidad at negosyo sa Bulacan.

“The DPWH continuously supports road network expansion along NLEX to facilitate ease of travel, encourage economic growth, and improve public services,” pagtitiyak ni DPWH Region 3 Director Roseller Tolentino.
Ang 600-meter NLEX Balagtas northbound entry ay halos matatapos na at bubuksan sa publiko sa buwang ito.

Ito ay maghahatid ng direct access sa mga motorista mula sa Balagtas Interchange papuntang NLEX northbound habang ang mga motorista na papuntang north buhat sa Balagtas o Plaridel Bypass ay dadaan sa mga  local roads at papasok sa NLEX northbound via Sta. Rita sa Guiguinto, Bulacan.

Kabilang din ang konstruksyon ng bagong Tambubong Interchange na magpapagaan sa madalas na heavy traffic situation sa Bocaue Interchange.

Karagdagang toll plaza sa southbound entry at northbound entry lanes ang kasalukuyang isinasagawa sa Barangay Tambubong para sa alternate routes  ng mga motorista papuntang  Pandi, Bulacan at kalapit bayan nito.
Halos nasa kalahati na ng konstruksyon ang first phase ng DPWH’s Ciudad de Victoria Interchange sa Philippine Arena sa bayan ng Bocaue, Bulacan.

Magkakaroon dito ng dalawang karagdagang linya sa existing Bocaue Municipal Road, isang bagong  80-linear meter 2×2 lane bridge na tatawid ng  NLEX at pagkumpuni ng inner road ng  Philippine Arena na may haba na 1.93 kilometers.

 

263

Related posts

Leave a Comment