‘PAGPAPASARA’ SA MAIN ENTRANCE NG TARLAC CAPITOL KINONDENA

PINASARA para sa “repair” ang main entrance ng Tarlac Provincial Capitol bago ang nakatakdang paghahain ng certificates of candidacy (COCs) ng mga kandidatong makakalaban ng pamilya Yap.

Ayon sa Facebook page na I Love Tarlac City, layon ng pagsasara na pigilan ang mga karibal na kandidato na ipakita ang malakas na suporta ng mga Tarlaqueño na naghahangad ng pagbabago sa lalawigan. Dahil sarado ang harap ng Kapitolyo, limitado ang magiging espasyo ng kanilang supporters, dahil maliit lang ang lugar sa labas ng Commission on Elections (Comelec) provincial office.

Ayon sa Facebook page, ang pagsasara ay malinaw na sabotahe at desperasyon sa parte ng provincial government habang sinusubukan nilang pigilan ang hamon mula sa mga karibal na kandidato.

Kakalabanin ng kandidato sa pagka-gobernador si dating Tarlac Gov. Victor Yap, kapatid ng nakaupong gobernador na si Susan Yap. Tatakbo naman ang isa pang kandidato para kongresista ng ikalawang Distrito ng Tarlac laban sa nakaupong si Rep. Christian Yap, anak ng outgoing governor.

Binatikos naman ng netizens ang hakbang ng Kapitolyo, sa pagsasabing dapat maging patas ito at huwag gamitin ang kapangyarihan para gipitin ang mga kalaban.

“Lumaban po kayo patas para maging maayos po election .ipakita po nyo sa mga sinasakupan nyo na isa kayong mga nag-aral at hindi mangmang. Nasa matataas po kayong posisyon,” komento ng netizen sa post ng I love Tarlac City.

41

Related posts

Leave a Comment