PALYADONG VCM DAHILAN NG ANTALA SA BOTOHAN

vcm12

(NI NILOU DEL CARMEN)

UMAABOT sa 74 mga vote counting machines ang nagkaaberya sa mga voting precincts sa Batangas.

Samantala, tatlo naman ang napaulat sa lalawigan ng Laguna, partikular sa Kalayaan at Pila.

Karamihan sa mga insidente ay ang pagtigil at pagkamatay ng mga VCM matapos gumana ng apat na oras lamang.

Agad din namang pinalitan  ang mga nagkaaberyang VCM samantalang ang ilan ay gumana rin matapos maipahinga ng ilang minuto.

Ipinagpatuloy din ang botohan sa mga presinto na pumalpak ang mga machine kahit na hindi na ipinapasok muna sa machine ang mga balota at inilalagay na lamang muna sa isang folder.

Ayon sa mga Board of Elections Inspectors, kusang namamatay ang mga machine kapag nag-overheat na ang mga ito na hindi naman miiwasan dahil sa sobrang init ng panahon ngayong araw.

 

261

Related posts

Leave a Comment