PANGAMBA SA CHINESE WARSHIP SA BAJO DE MASINLOC PINAWI

masinloc12

(NI AMIHAN SABILLO)

WALANG dapat na ikabahala sa presensya  ng mga Chinese warship sa Bajo de Masinloc, hindi dapat ika-alarma ayon sa Defense department.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa ulat ng PCG o Philippine Coast Guard na may umaaligid na mga barko ng Tsina sa paligid ng pinag-aagawang Scarborough o Panatag Shoal na kilala rin bilang Bajo de Masinloc.

Ayon sa kalihim, bahagi ang nasabing karatagan ng tinatawag na International Waters at malaya ang sinumang mga bansa kahit pa ang Tsina o maging ang Amerika man na maglayag doon.

Hindi naman aniya ito ang unang pagkakataon na may mga barko ang Tsina sa nasabing bahura dahil may insidente na aniya noon na muntik pang magbanggaan ang mga Barkong pandigma ng Tsina at Amerika.

Gayunman, sinabi ni Lorenzana na kung siya ang tatanungin ay hindi dapat magkadikit-dikit ang mga barko ng alinmang bansa sa nasabing karagatan dahil posible itong magresulta ng isang malaking gulo na nag-ugat lamang sa simpleng miscalculation.

Kasunod nito, kinumpirma rin ni Lorenzana na nag-alisan na nga ang mga barko ng Tsina sa Pagasa Island subalit nilinaw nito na hindi naman aabot sa 100 tulad ng unang napabalita.

Kinausap din ng kalihim si Chinese Ambassador Zhao Jianhua at sinabi nito na normal lamang ang pag-alis ng mga barko nila dahil tapos na ang panahon ng pangingisda.

Gayunman, binigyang-diin ni Lorenzana na patuloy naman ang pagpapadala ng mga barko ng Pilipinas mula sa Coast Guard at Navy para bantayan ang mga inaangking teritoryo, bahura at isla sa West Philippine Sea.

254

Related posts

Leave a Comment