PLUNDER CASE VS IN-LAWS NI DIOKNO

diono200

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAKAUMANG na ang plunder case sa mga in-laws ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno matapos ang pagdinig ng Kamara sa anomalya sa flood control projects sa Sorsogon.

Ayon kay House majority leader Rolando Andaya Jr., hawak na nila ang ebidensya na umaabot na sa P50 Million ang nakuha  ng Arema Construction na pag-aari ng mga anak ni Casiguran, Sorsogon Mayor Edwin Hamor sa  umano’y flood control scam  kaya pasok na anya ito sa plunder case.

“We are now in possession of bank transaction receipts showing that Aremar Construction received more than P50 million as share in the flood control scam. With this development, the evidence against Aremar has reached the plunder point,” ani Andaya.

Kabilang umano sa halagang ito ang P11 Million na napunta sa Land Bank account ng Aremar noong Oktubre 2018 kung saan idinagdag pa ni Andaya na “..Naipakita na namin ito sa hearing. Yung iba pang bank receipts, sa susunod na hearing na namin ipi-prisinta”.

Ayon sa mambabatas, lumalakas ang ebidensya na gumagamit ng dummies ang Aremar na konektado umano kay Diokno dahil mga in-laws nito ang mga may-ari, para makakuha ng multi-million kontrata sa gobyerno, matapos iboluntaryo ito ng ilang kontraktor umano sa Bicol region.

 

139

Related posts

Leave a Comment