PRESO TUMAKAS SA CAVITE PROVINCIAL JAIL

CAVITE – Nagsasagawa ng manhunt operation ang mga operatiba ng Cavite Provincial Jail makaraang tumakas sa kulungan ang isang person deprived of liberty (PDL) sa Trece Martires City noong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang tumakas na PDL na si alyas “Jayson” may kasong paglabag Sec. 5 at 11 ng Article 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at carnapping case sa Laguna.

Ayon sa ulat ni PG II Unica Nica C, Diaz, team supervisor, bandang ala-1:44 ng madaling araw noong Linggo nang tumakas ang suspek sa pamamagitan ng pagtalon mula sa isolation tower ng Cavite Provincial Jail sa Brgy. Lapidario, Trece Martires City, patungo sa escorting area saka umakyat sa perimeter fence ng jail facility saka tumakbo papatakas sa hindi nabatid na direksyon.

(SIGFRED ADSUARA)

34

Related posts

Leave a Comment