RESIDENTE SA COASTAL AREAS ‘DI PA PINABABALIK MATAPOS ANG LINDOL

davao

HINDI pa rin pinababalik ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga residente sa Davao Oriental na nakatira sa tabing dagat kasunod ng 7.2-magnitude earthquake na tumama sa baybayin ng Governor Generoso bandang alas-11:39 ng tanghali.

Sa Tsunami Information No. 2 na inilabas ng ala-1:42 p.m., sinabi ng PHIVOLCS na wala silang nakitang pagbabago sa taas na alon sa mga dalampasigan.

Gayunman, hindi pa rin umano ligtas sa posibleng tsunami ang mga residente doon. Kabilang sa mga probinsiyang minamatyagan sa posibleng tsunami ang: Surigao Del Norte Surigao Del Sur; Davao Oriental; Compostela Valley; Davao Del Norte; Davao Occidental; Davao City Davao Del Sur; Sarangani; South Cotabato

9

Related posts

Leave a Comment