SALESLADY PATAY SA BUNDOL NG BUS

ISABELA – Patay ang isang saleslady nang masalpok ng pampasaherong bus sa national highway sa bayan ng San Mateo sa lalawigan noong Lunes ng gabi.

Kinilala ng San Mateo Police ang biktimang si Julie Dumo, 49, residente ng Barangay Sinamar Sur sa nasabi ring bayan.

Batay sa report ng pulisya, galing sa trabaho ang biktima nang masalpok ng Victory Liner bus pasado alas-7:00 ng gabi.

Umo-overtake umano ang bus sa isa pang sasakyan nang mahagip nito ang biktima na noon ay nasa kabilang lane at patawid ng kalsada kung saan naghihintay ang mister nito.

Ayon sa mga imbestigador, may kadiliman sa lugar kaya ‘di agad napansin ng driver ang biktima.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ng ilang metro ang biktima.

Isinugod ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor. (NILOU DEL CARMEN)

41

Related posts

Leave a Comment