SUPERVISOR NG BUS COMPANY, 1 PA NILIKIDA

MAGUINDANAO – Inaalam ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa paglikida sa bagong talagang area supervisor ng Mindanao Star Bus (MSB) at kasamahan nito sa lalawigang ito.

Sa police report, kinilala ang mga biktimang sina Datu Khalid Mamasabulod Matalam, may asawa at residente ng Barangay Layog Pagalungan Maguindanao, at isang alyas Dhats Imbran.

Nabatid na si Matalam ay katatalaga lamang bilang area supervisor ng kumpanya kapalit ni Datu Ali Mantil na pinatay rin ng hindi pa kilalang suspek.

Kamakailan lang ay binaril at napatay si Datu Ali Mantil sa Barangay Batulawan, Pikit, North Cotabato kaya nabakante ang nasabing posisyon.

Lumalabas sa pasisiyasat ng Pagalungan PNP, naglalakad ang mga biktima malapit sa kanilang tahanan sa Brgy. Layog galing sa kanilang trabaho, nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek.

Kabilang sa mga motibong sinisiyasat ang personal na away, sigalot sa loob ng kumpanya o extortion angle

Sa ngayon ay blangko pa ang mga awtoridad sa motibo ng pamamaril sa mga biktima at patuloy pang nag-iimbestiga sa kaso. (JESSE KABEL)

99

Related posts

Leave a Comment