VISAYAS, MINDANAO PATULOY NA UULANIN

pagasa12

(NI KIKO CUETO)

MAKARARANAS ng patuloy na pag-ulan ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.

Ito’y dahil na rin sa intertropical convergence zone (ITCZ) o kaulapang dulot ng pagtatagpo ng hangin mula sa hilaga at timog malapit sa equator, ayon sa state weather bureau Pagasa.

Paliwanag ni Pagasa weather forecaster Benison Estareja, maaring magdulot ng pagbaha at landslide ang isolated rains at thunderstorms na dala ng ITCZ.

Magiging maaliwalas naman aniya ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, pero maaaring magkaroon ng mga panandaliang ulan sa hapon o gabi.

Wala naman aniyang inaasahang mamumuong bagyo sa loob ng bansa sa susunod na 3 araw.

Inaasahang mabubuo ang 1 o 2 bagyo sa bansa kapag nagsimula na ang tag-ulan ngayong Hunyo, una nang sinabi ng Pagasa.

 

 

 

131

Related posts

Leave a Comment