PROBLEMA SA HULOG NG TNVS IDUDULOG SA BSP

IDUDULOG ng gobyerno sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang problema ng mga nasa Transportation Network Vehicle Services o TNVS na isa sa mga pinagbabawalang
mamasada ngayong umiiral ang community quarantine.

Sa harap na rin ito ng tanong ng mga taga-TNVS kung saan nila huhugutin ang kanilang monthly amortization para ipambayad sa sasakyang inutang sa bangko.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexie Nograles, kanilang idudulog sa BSP ang sitwasyon at mula duon ay madetermina kung paano matutulungan ang mga tsuper ng TNVS.

Naniniwala si Nograles na mahahanapan ng solusyon ang iba pang problemang bumabangon dulot ng coronavirus. CHRISTIAN DALE

322

Related posts

Leave a Comment