PROMOSYON SA PNP IBABASE SA ‘RESIBO’

SUPORTADO dapat ng resibo ang mga pulis na gustong ma-promote upang matiyak ang pagsunod sa due process at epektibong nagagampanan ang kanilang mandato.

Sa kauna-unahang flag raising ceremony ni Torre sa Camp Crame, sinabi nito na dapat mag-execute ng affidavit of arrest ang kapulisan na magpapatupad ng warrantless arrest bilang resibo o katibayan.

Aniya, kailangang magkaroon ng konkretong batayan o “resibo” ng huli sa pagsukat ng tagumpay ng bawat pulis at ito ay hindi sa dami ng report, kundi sa aktwal na pag-aresto sa masasamang loob o iyong warrantless arrest.

Kasunod nito ay inatasan ng PNP Chief ang Directorate for Personnel and Records Management na magkaroon ng masusing assessment sa accomplishment at siguruhing maging bahagi ng performance metrics ang affidavit of arrest.

Dagdag ng opisyal, ito ay magiging malaking konsiderasyon sa promosyon lalo na sa mga patrolman at sergeant. Kanya rin ipinangako na kikilalanin ang mga pulis na tunay na naglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng konkretong aksyon laban sa kriminalidad.

(TOTO NABAJA)

9

Related posts

Leave a Comment