PROSESO NAGDULOT NG DELAY SA PAGHAHATID NG BAKUNA SA LGUs

NAGPALIWANAG ang Malakanyang sa pagkakaantala ng paghahatid ng bakuna sa ilang Local Government Units (LGUs).

Kailangan lang na may tapusing proseso bago tuluyang maihatid sa mga LGU ang mga dumarating na bakuna sa bansa.

Nagpaliwanag si Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng ulat na pagkaka-delay sa paghahatid ng bakuna sa ilang lokal na pamahalaan.

Aniya, nagkakaroon talaga ng delay dahil mayroon pang pinoproseso na certificate of analysis.

Sinabi ni Sec. Roque, sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng pag-aaral para makita kung parehas ang kalidad ng iba pang mga dumating na bakuna.

Samantala, siniguro naman ni Sec. Roque na sa sandaling makuha ang certificate of analysis ay dire-diretso na ang magiging distribusyon ng mga bakuna lalo na’t ang target ng pamahalaan ay mabakunahan ang lahat partikular na sa NCR Plus.

“Alam ninyo po iyong pagkaantala ay dahil mayroon po silang pinapa-process na certificate of analysis na kinakailangan. Lalung-lalo na sa Sinovac eh magkaroon ng pag-aaral para makita kung parehas ng quality iyong ibang mga dumating sa atin,” ayon kay Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

140

Related posts

Leave a Comment