PROSESO SA CASH AID, PINADALI NG DOLE

MAS pinadali na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang proseso sa mga gustong mag-apply ng tulong pinansiyal lalo na ng mga manggagawang nawalan ng trabaho mula sa formal sector dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na sa ngayon ay nakabuo na sila ng online system para mapadali ang pagpasa ng mga aplikasyon ng mga benepisyaryo ng COVID-19 Adjustment Measures Program o CAMP.

Dagdag pa niya, bukod sa mas mabilis ang proseso ng aplikasyon, idinisenyo ang online application system para mabawasan ang physical contact ng mga aplikante at tauhan ng DOLE.

Maaring mag-access sa report.dole.gov.ph.

Kailangan lamang na sundan at kumpletuhin ng mga aplikante ang proseso ng aplikasyon online.

Maaari rin mag-apply dito ang mga establisimyentong apektado ng pandemya, gayundin ang mga establishment na accredited ng Department of Tourism at ang mga manggagawang nawalan ng trabaho o mga pansamantalang natanggal sa trabaho.

Ang mga establisimyentong mag-a-apply online ay kailangang mayroong ERS account o mag-register muna para makapag-apply.

Para naman sa mga manggagawang nawalan ng trabaho, kailangan lamang sagutan ng aplikante ang mga impormasyong hinihingi ng DOLE. (CATHERINE CUETO)

235

Related posts

Leave a Comment