PRRD, KINONTRA NI DUQUE

duque21

TALIWAS sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, naniniwala si Health Secretary Francisco Duque III na ligtas nang buksan ang klase para sa school year 2020-2021 sa August 24.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Health and Demography, sinabi ni Duque na kailangan lamang tiyakin ng Department of Education (DepEd) na nakalatag ang minimum health standards tulad ng pagpapatupad ng physical distancing, palagiang paghuhugas ng kamay at regular na disinfection sa mga silid-aralan.

Dapat din anyang may suplay ng alcohol at sanitizers ang mga paaralan bukod pa sa pagkakaroon ng thermal scanners.

“Pag-aralan po nating maigi ito pero sa tingin namin ligtas naman po kung bubuksan ang klase by August 24,” saad ni Duque.

Binigyang-diin pa ni Duque na naniniwala siya sa kakayanan ng DepEd sa pagpapatupad ng mga safety protocols.

Suportado rin ng kalihim ang pagsasagawa ng online learnings at iba pang alternatibo. DANG SAMSON-GARCIA

346

Related posts

Leave a Comment