PRRD PINURI SA PAGPAPALABAS NG P910-M BADYET PARA SA GURO

PINURI ni Senator Christopher Bong Go si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pag-apruba nito  sa release ng P910 million para sa Department of Education upang  makaabot sa  budget criteria ng World Teacher’s Day Incentive benefit.

Sinabi ni Go na ang pag-grant sa incentive sa mga public school teachers ay bilang pagkilala sa critical role  ng mga guro sa nation-building at pagkilala sa sakripisyo ng mga ito lalo na sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Go, mas naging challenging  ang ginagampanan ng mga guro sa pagtiyak na makakapagpatuloy sa pag-aaral ng mga kabataan na naging mas mahirap dahil sa pandemya.

Sa ilalim ng  Republic Act no. 10743 o mas kilala sa tawag na “An Act Declaring the Fifth Day of October Every Year bilang National Teacher’s Day” at  ng UN Educational, Scientific and Cultural Organization international observance sa World Teacher’s day ay kinikilala ang teaching profession at bilang pagpupugay din sa hindi matatawarang serbisyo  at mahalagang kontribusyon ng mga guro sa paghubog sa isipan, values at karakter ng mga kabataang Pilipino.

Ang DepEd ay mayroong 910,000 eligible personnel na siyang naging basehan para sa P910 million appropriations.

Una nang umapela si Go sa national  government na dagdagan ang suporta sa mga public school teachers  dahil sa hinaharap na sakripisyo ng mga ito dahil sa pandemya
Giit ni Go, hindi madali  ang panahon ngayon kaya mas naging mahirap ang pagtuturo  sa blended learning para sa mga guro dahilan kaya suportado niya ang mga panukalang polisiya na magpapalakas sa education sector  habang  tinitiyak din ang kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante.

Ito ang dahilan kaya isinulong ni Go ang Senate Bill no. 396 noong 2019 para mapalawig ang purposes at application  ng Special Education Fund  na sinasabing  magagamit sa operation at maintenance  ng public schools, pasuweldo, allowances at iba pang  benepisyo ng mga teacher at non-teaching personnel, ang pagpapatuloy ng operasyon ng
Alternative Learning System at iba pa. (ESTONG REYES)

107

Related posts

Leave a Comment