PRRD TODO DEPENSA SA POGO; PATUTSADA NI GORDON PINALAGAN

PINALAGAN ng Malakanyang ang patutsada ni Sen. Richard Gordon kaugnay sa pagpapapasok ng malaking pera at libo-libong miyembro ng People’s Liberation Army (PLA)ng China sa bansa at pagsasabing hindi mangyayari ang mga krimen na iniu-ugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) industry kung hindi malambot ang posisyon sa nasabing bansa ng Administrasyong Duterte.

“Hindi kailanman naging malambot si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa anumang usapin na mayroong kinalaman sa national interest,” ayon kay presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo.

Sinabi pa ng kalihim, tila hindi kilala ni Gordon si Pangulong Duterte na aniya ay ‘decisive’.

At katulad ng naunang pahayag ng Malakanyang, ang lahat ng iregularidad at korapsyon na iniu-ugnay sa anumang proyekto o aktibidad ng gobyerno ay palaging ini-imbestigahan at sa oras na lumabas ang finding, agad na umaaksyon ang punong ehekutibo.

Kasabay ito nang pagtanggi na nasasaktan ang Palasyo sa tuwing nasasangkot ang China sa iba’t ibang isyu.

Ayon pa kay Panelo, nagtataka siya kung bakit nasabi ng senador ang kanyang mga akusasyon gayunman idinahilan niya na malaki ang posibilidad na dahil ito sa una niyang pahayag na dapat ibahagi ng mambabatas ang ang impormasyon kaugnay sa money laundering sa bansa.

Idinagdag ni Panelo na bilang opisyal ng pamahalaan, tungkulin talaga ng opisyales na makipagtulungan at ibahagi ang mga impormasyong mayroon sila kaugnay sa anomang anumalya o paglabag sa batas, lalo na kung wala pang hawak na impormasyon ang pulisya.

Samantala, todo depensa ang Malakanyang sa usad-pagong na pagtugon ni Presidente Duterte sa operasyon ng POGO sa bansa sa kabila nang pagbuhos ng isyu kaugnay sa ilegal na aktibidad.

Ayon kay Panelo, hindi dapat ikumpara ang naging hakbang ng pangulo sa Philippine Charity Sweepstakes Office Lottery o Lotto noon matapos lumutang ang mga insidente ng korapsyon at iregularidad laban dito.

Iginiit ng kalihim na kaya hindi pa kumikilos ang punong ehekutibo at dahil hindi pa kompleto ang kanyang natatanggap na impormasyon at kulang pa sa ebidensiya na magpapatibay sa kanyang basehan upang umaksyon.

Kaugnay naman nito, ipinag utos na ni Pangulong Duterte sa concerned government agencies tulad ng Bureau of immigration (BI), Bureau of Customs (BOC) at National Bureau of Investigation (NBI) na agad na  imbestigahan ang mga ilegal na aktibidades na kakambal ng operasyon ng POGO. CHRISTIAN DALE

 

206

Related posts

Leave a Comment