“ANG kabutihan ay hindi kayang itumba o magapi ng katiwalian o kasamaan”
Mistulang yan nalang ang pinanghahawakan ngayon ng PUBLIC ATTORNEY’s OFFICE (PAO) sa kanilang kinakaharap na laban kaugnay ng kontrobersyal na dengvaxia vaccine.
Na kahit ano pa ang ginawang mga hakbang ng kanilang kalaban ay lagi silang ipinag a-adya at kanila itong nalalagpasan.
Tulad na lamang sa kanilang unang laban sa Korte Suprema kung saan sila ay napagbigyan na magtalaga ng isang korte ang Supreme Court na ang tanging hahawakan ay ang mga kaso na may kaugnayan sa kontrobersyal na dengvaxia vaccine.
Ikalawa ay ang ginawang pag VETO ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagtapyas nina Senator Franklin Drilon at Edgardo Sonny Angara sa pondo ng PAO makaraang singitan nina Drilon at Angara ng ilang probisyon ang General Appropriations Act of 2021 na nagbabawal sa PAO na magamit ang kanilang Personnel Services PS at MOOE o maintainance and operating and other expenses patungkol sa Pao Forensic Laboratory.
At ang pangatlo, na lubos ding Pinasalamatan ng PAO ay ang ginawang pagbasura ni Ombusdman Samuel Martirez sa mga kasong korapsyon na isinampa ng isang Atty Wilfredo Garrido Jr. laban kay Pao Chief Acosta at sa kanyang mga opisyal at sa kanilang forensic consultant na si Dr. Erwin Erfe, dahil sa pagkakaroon ng forensic laboratory ng PAO, na diumano ito’y ilegal na mariin namang pinabulaanan ni Chief Acosta dahil ang pagkakabuo anya ng Forensic Laboratory ng PAO ay aprubado ng Department of Budget and Management (DBM).
At ang kanilang forensic laboratory ay hindi duplication ng trabaho ng NBI forensic Laboratory at ng PNP Laboratory, dahil mayroon silang sariling mandato mula sa gobyerno at ng Dept of Justice na mag-imbestiga at tulungan ang pamilya ng mga batang namatay matapos maturukan ng Dengvaxia vaccine at ang kanilang forensic Laboratory ang siyang nangunguna sa pagsusuri sa mga namatay na biktima.
Hindi kayang tawaran ang ipinakitang dedikasyon nina Pao Chief Persida Rueda-Acosta sampu ng kanyang mga kasamahan sa PAO, makaraang manindigan ang mga ito na mabigyan ng hustisya ang sinapit ng may halos isang milyong bata na naturukan ng nakakamatay na anti-dengue vaccine na dengvaxia.
Sa kabila ng kaliwat kanang pag atake sa kanila ng mga kilalang tao sa lipunan, Kung tutuusin ay tahimik naman ang pamunuan ng PAO kung hindi sila naatasan noon ni dating Secretary of Justice Vitaliano Aguirre na hawakan ang reklamo ng mga magulang ng mga batang nasawi matapos na umanoy maturukan ng dengvaxia vaccine.
164
