PUBLIKO BINALAAN SA AI GENERATOR APPS

PINAG-IINGAT ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang publiko laban sa paggamit ng artificial intelligence (AI) image generator apps sa gitna ng potensyal na panganib ukol sa personal data.

“Any application that would use your personal data, even your biometrics or facial recognition should be a cause for concern… The public should be cautious because we are parting with vital information that may be used to potentially do harm to us,” ayon kay DICT spokesperson Assistant Secretary Renato Paraiso sa isang panayam.

Gayunman, kailangan pa ring pag-aralang mabuti ang potensiyal na panganib ng AI image generator apps.

Nauna rito, pinagbawalan ng Department of National Defense (DND) ang mga empleyado at tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa paggamit ng AI image generator apps para sa posibleng “privacy at security risks.”

Winika pa ni Paraiso na nakiisa ang DICT na manawagan sa publiko na maging “extra careful” sa paggamit ng aplikasyon na nangangailangan ng pagbahagi ng personal information.

Samantala, sinabi naman ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na ang AI image generators ay maaaring gamitin para gumawa ng fake profiles na mauuwi sa pagnanakaw, social engineering phishing attacks, at iba pang malicious activities.

(CHRISTIAN DALE)

239

Related posts

Leave a Comment