PUBLIKO BINALAAN SA FAKE FACEBOOK ACCOUNTS NG BOC

NAGBABALA ang Bureau of Customs (BOC) sa publiko hinggil sa kumakalat na mga pekeng Facebook account na ilegal na gumagamit ng pangalan ng BOC, logo at branding nito, bukod pa sa pagpapanggap bilang BOC officials para linlangin ang taong bayan.

Nakarating sa tanggapan ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno ang report na tinatarget ng mga poseur na BOC account ang mga bibiktimahin sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga mensahe, pag-reply sa comments, at nagkukunwaring isang legitimate BOC account sa pamamagitan ng pagkopya ng updates at information mula sa official page ng Kawanihan at saka ire-repost ang mga ito.

Nanawagan ang pamunuan ng BOC sa mamamayan na maging maingat sa pakikipag-ugnayan sa lumilitaw na BOC accounts na nagsasabing sila ang kumakatawan sa nasabing ahensiya.

Hinihikayat din ang publiko na huwag mag-share ng personal information, mag-send ng payments, o mag-engage sa anomang unverified accounts.

Ayon sa komisyon, ang BOC ay nagmamantini lamang ng isang Facebook page bilang official source of updates, announcements, and services.

Puspusan ngayon ang isinasagawang pagsusumbong ng BOC sa Meta para maalis ang a pekeng accounts kasabay ng panawagan sa publiko na isumbong nang direkta sa Facebook ang suspicious pages o sa pamamagitan ng BOC hotline number (02) 8705-6000 or via email at boc.cares@customs.gov.ph.

“We are taking firm action against these fraudulent activities. Protecting the public from scams and preserving the integrity of the BOC, is one of our top priorities,” ani Commissioner Nepomuceno.

“For accurate and transparent information, the public is reminded to communicate only through the agency’s verified Facebook page and authorized platforms,” ayon pa kay Comm. Nepomuceno.

(JESSE RUIZ)

109

Related posts

Leave a Comment