MGA ESTUDYANTE PINAG-IINGAT SA HFMD

PATULOY na pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang mga estudyante sa nakahahawang sakit na hand, foot, and mouth disease (HFMD) na karaniwang nakukuha sa mga paaralan.

Ito’y kahit pa bumaba na ang kaso o bilang ng tinatamaan ng naturang sakit.

Sa record ng DOH, mula May 18-31, 2025 nasa 1,964 na kaso ng HFMD ang naitala kung saan bumaba ito noong June 1 hanggang 14, 2025 ay nasa 1,363 ang naitalang tinamaan.

Pero giit ng DOH, hindi dapat maging kampante ang publiko dahil mabilis o posibleng makahawa ang nasabing sakit kung hindi mag-iingat.

Paliwanag ng ahensya, ang isang batang may HFMD ay maaaring makahawa ng higit sa dalawa pang bata, at maaari pa itong dumami kapag nasa closed spaces gaya ng bahay at eskwelahan.

Payo nila, kailangang panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid, lalo na sa mga silid-aralan at mga lugar kung saan namamalagi ang mga bata.

(JULIET PACOT)

158

Related posts

Leave a Comment