HINIMOK ni Senate Committee on Health chairman Christopher Bong Go ang publiko na manatiling vigilante at doblehin ang pag-iingat laban sa mosquito-borne disease.
Sa gitna ito ng dengue outbreak sa ilang mga lugar sa bansa tulad sa Quezon City.
Ipinaliwanag ni Go na ang dengue ay seryosong banta sa kalusugan lalo na sa mga kabataan kaya kailangan ng dobleng pag-iingat at sumunod sa tamang hakbang para maiwasan ang sakit.
Pinaalalahanan ng senador ang publiko na agad magpasuri sa doktor oras na magkaroon ng sintomas ng dengue.
Hindi anya dapat balewalain ang lagnat lalo na kung may kasamang pananakit ng katawan at pagsusuka.
Hinimok din ng senador ang mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang information campaign at tiyakin na ang mga hospital at healthcare facilities sa kanilang lugar ay may sapat na kakayanan para gamutin ang mga pasyenteng may dengue.
Para maiwasan ang dengue, hinikayat ni Go ang publiko na sumunod sa 4S strategy ng Department of Health.
Ito ay ang Searching and destroying mosquito breeding sites o hanapin at wasakin ang pinamumugaran ng lamok; Self protection measure kung saan gumamit ng insect repellent at magsuot ng damit na may long sleeve; Seeking medical consultation sa unang sintomas pa lang ng dengue at Supporting fogging o spraying activities.
Nanawagan din si Go para sa regular cleanup drives para matanggal ang stagnant water sa mga container, gulong at iba pang pinamumugaran ng lamok.(Dang Samson-Garcia)
