ARESTADO ng Bureau of Immigration (BI) operatives ang isang South Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa mga kasong telecommunication fraud.
Kinilala ang suspek na si Kang Hee Woo, 35, nahuli ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) noong Miyerkoles sa Malabacat City, Pampanga.
Ayon sa pahayag ng Interpol National Central Bureau (NCB), si Kang ay mayroong iba’t ibang warrant of arrest na inisyu ng Seoul Central District Court at Seoul Dongbu Central District Court, hinggil sa mga kaso laban sa kanya.
Nakarating din sa kalaman ng BI na si Kang ay miyembro ng Youngjae-Han telecom fraud syndicate sa Korea, at pinaniniwalaang nagkamal ng tinatayang umabot ng isang bilyong Won katumbas ng 740,000 US dollars.
Si Kang ay pansamantalang nakakulong sa BI Warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, habang naka-pending ang kanyang deportation order mula sa BI Board of Commissioners.
(FROILAN MORALLOS)
