BABAWIAN ng baril ang mga pulis na babagsak sa “Proficiency Standards” ng pagpaputok ng baril.
Sa ambush interview sa Camp Karingal sa ginanap na “3rd PNP Press Corps Invitational Shootfest”, sinabi ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III, na hihigpitan niya ang pagpapatupad ng standards na itinakda ng PNP- Directorate for Human Resource and Doctrine Development.
Mismong ang hepe ng Pambansang Pulisya ang mangunguna sa pagsusuri at pagsusulit. Kung sakali aniya na bumagsak siya ay handa siyang agad magretiro.
Hindi lamang mga baguhang pulis ang isasailalim sa pagsasanay kundi pati mga opisyal hanggang sa pinakamataas na antas.
Sa susunod na buwan ay magsisimula sa mga opisyal ang pagsasanay na nasa top leadership position.
Pabiro naman na sinabi ni Torre sa mga reporter na papalitan niya ng bolo ang baril ng mga pulis na mangangamote.
(TOTO NABAJA)
