PULIS NA-WOW MALI SA HINULING SUSPEK

BATANGAS – Ilang araw makaraang dakpin ang isang barangay tanod na inakalang gumahasa at pumaslang sa isang 15-anyos na estudyante, kusang loob na sumuko sa pulisya ang isang 19-anyos na binatang umamin sa salang ibinintang sa iba.

Kinilala ni Laurel Police chief Captain Errol Frejas ang suspek na si Jayvie San Vicente na inihatid pa ng kanyang magulang sa ginawang pagsuko at pag-amin sa panggagahasa sa estudyanteng natagpuang walang buhay sa isang liblib na bahagi ng Barangay Sta. Maria nito lamang nakaraang Lunes.

Ayon kay Frejas, si San Vicente umano ang nagturo sa isang tanod na nagngangalang Rufo Sangalang na una nang inaresto ng Laurel PNP.

Sa salaysay ng mga kaanak ng biktima, huling nakitang buhay ang 15-anyos na estudyante Lunes ng umaga nang magpaalam itong pupunta sa kaklase para magpatulong sa kanyang mga modules sa eskwela.

Agad namang sinamahan ng mga awtoridad ang supek sa Public Attorney’s Office upang magbigay ng pahayag ukol sa pangyayari. (CYRILL QUILO)

302

Related posts

Leave a Comment