BATANGAS – Patay ang isang 52-anyos na tauhan ng Batangas PNP makaraang tambangan at pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo habang patungo sa Provincial Police Office nitong Lunes.
Kinilala ang biktimang si PEMS Romel Mapa Panopio, nakatalaga sa Batangas Provincial Police Office, at nakatira sa Brgy. Tipas, San Juan, Batangas.
Habang target naman ng manhunt operation ng mga awtoridad ang dalawang suspek na tumakas sakay ng gate-away motorcycle.
Ayon sa imbestigasyon ni PCMS Manimtim, dakong alas-3:40 ng hapon, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklong KIA Bongo na may plakang RBN-462, sa Barangay Calicanto, nang biglang tambangan at pagbabarilin ng mga suspek.
Agad isinugod ng mga tauhan ng MDRRMO sa District Hospital ang biktima para malapatan ng lunas ngunit idineklarang dead on arrival. (CYRILL QUILO)
231
