PURO NGAWA WALA NAMAN GAWA

BAKIT kaya idinadamay na ng mga politikong puro ngawa ala namang gawa ang mga barangay o community pantry sa mga isyung ibinabato sa ­gobyerno?

Hindi ba puwedeng kaya ginagawa ng ilan sa ating mga kababayan ang naturang damayan ay upang makatulong sa kanilang komunidad?

Hindi ba puwedeng gayahin nyo na lang para kayo mismo ay makatulong na rin sa ating mga kababayan at mabawas – bawasan naman ang inyong mga milyones para itulong sa bayan?

Hindi yung kaagad sasabihin ng mga puro ngawang mga politiko na senyales daw ito na desperado na daw ang ating mga kababayan na matugunan ng gobyerno ang kanilang pangangailangan?

Naiintindihan kaya ng mga hunghang na politikong ito na ­mayroon tayong kinakaharap na krisis? At hindi po tayo ­mayamang bansa kagaya ng Amerika at United Kingdom at iba pa, na kahit ilang taon silang matulog ay sapat ang kanilang kabang yaman upang makakain ng tatlong beses kada araw ang kanilang mamamayan.

Kung puro pagbabantay sa gobyerno na lang ang inyong ginagawa ay humanap kayo ng paraan para sa ikagagaan ng ating kinakaharap na sitwasyon baka sakali na matuwa pa sa inyo ang publiko!

Matanong ko lang itong mga hunghang na mga politikong ito, kayo ba ay may ginawa na para man lang maibsan ang krisis na kinakaharap natin? Mga puro kayo bwiset!!!

Sabagay para sa mga taong ito ay walang ginawa ang ­gobyerno natin na mabuti, lahat ay mayroon silang pintas.

Tingin ko tuloy kahit malayo pa ang 2022 elections ay nagpapalutang na ang mga ito para siguro mapansin ng publiko.

Tama po ba former Vice President Jojo Binay?

Kakahiya kayo!!! Nangangamatay na ang ating mga kababayan dahil sa pandemya, kayo pulitika pa rin ang nasa bunbunan ninyo!!!

Ako sa totoo lang, sobra akong natutuwa na nakaisip ang ating mga kababayan ng ganoong paraan upang makatulong sa kanilang komunidad. Ang laking tulong noon para maibsan ang kawalan ng iba hindi kagaya ng mga tinamaan ng hunghang na mga kritiko na ang pananaw ay nakakarimarim.

Kaya kahit ano pa ang gawin ng ating gobyerno para sa mga taong kagaya nila ay wala pa ring kuwenta, PAYO KO LANG SA MGA KAGAYA NINYO LUMAYAS NA KAYO NG PINAS! DAHIL KAYO MISMO AY DI NAMIN KAILANGAN DITO!!!

Kung makapagsalita kayo mahal ninyo ang bayan natin pero wala naman kayong ginagawa kundi punahin ang kawalan ng ating pamahalaan. Dapat ninyong maintindihan na ginagawa na ng pamahalaan ang lahat ng paraan para lamang matugunan ang pangangailangan ng ating mamayan.

Sa mga kritiko na ang laging pananaw ay wala ng ginawang maganda ang gobyerno natin, tamaan sana kayo ng kidlat upang maramdaman ninyo yang inyong pinagsasabi at maramdaman ninyo na wala kayong kuwentang mga Filipino.

213

Related posts

Leave a Comment