PUSLIT DROGA SA SUBIC, SA BUTAS NG KARAYOM DADAAN – COLLECTOR MARTIN

MISTULANG butas ng karayom ang pagdaraanan ng mga sindikato sa mga tangkang pagpuslit ng droga sa Port of Subic, babala ni District Collector Marites Martin ilang saglit matapos ang pulong kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa naturang pag-uusap, kapwa pinaboran ng Bureau of Customs – Port of Subic at PDEA ang mas malalim na ugnayan at koordinasyon sa hangaring tuluyan nang tuldukan ang mga sindikato sa likod ng drug smuggling sa bansa.

Kabilang naman sa mga ibinida sa naturang pulong ang Trace Detection System na gamit ng POS sa mga pumapasok at lumalabas na kargamento. Partikular na tinukoy ni Martin ng makabagong Serstech 100 Indicator (Raman Spectrometer) na may kakayahang tumukoy kahit maliit na antas ng droga at iba pang kemikal na karaniwang ikinukubli sa mga palusuting bagahe at kargamento.
Para kay Martin, mala­king bentahe ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa paglaganap ng droga. “We should be able to detect even the smallest amount of chemicals concealed in parcels at cargoes with the help of these modern devices. Its use gives us no more room for excuses,” ani Martin.           (JO CALIM)

207

Related posts

Leave a Comment