QC 5th district bet dumulog sa NBI CYBER LIBEL, CHILD ABUSE VS FB USER

MAHAHARAP sa pagkakulong ang isang Facebook user na nagtatago sa pangalang”Boses ng Bayan sa QC,” matapos sampahan ng kasong cyber libel at child abuse ng isang kandidato sa ika-5 distrito ng Quezon City.

Sa kanyang 23 pahinang affidavit na inihain sa National Bureau of Investigation,  hiniling ni Rose Nono Lin, ng Quezon City sa ahensiya na kilalanin ang tao o grupong nasa likod ng “Boses ng Bayan sa QC” dahil sa malisyoso at paninira sa kanyang pangalan at pang-aabuso sa mga menor de edad niyang anak.

Ayon kay Lin, nilabag ng “Boses ng Bayan ng QC” ang Article 353 at 355 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa Republic Act No.10175 na mas kilala bilang Cybercrime Prevention Act of 2012 at RA 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

“On Nov. 6, 2021, at 12:120 pm., a Facebook post/status was uploaded in the page of Boses ng Bayan sa QC which is entitled “BOMBSHELL – IS DRUG MONEY FINANCING MALAYANG QC?’, ayon kay Lin.

Aniya, natuklasan niya ang post sa mensahe ng netizens at ilang supporters kabilang ang kaanak at kaibigan. Nang kanyang usisain ang post ay natuklasan na siya ang tinutukoy ng malisyosong paratang.

“Immediately thereafter, I read the Facebook post considering that my full name was indicated in the malicious status. Upon reading the same, the content of the Facebook post indeed contains malicious speeches that tend to dishonor and discredit my established reputable name, not just in the city I reside (Quezon City) but also in the whole country and the world who has the access to Facebook, whether or not he or she is using a Facebook account,” ayon kay Lin.

Sinabi ni Lin na bukod sa walang katotohanan at malisyoso ang paratang ng “Boses ng Bayan sa QC” ay minarkahan ang kanyang kabiyak na si Lin Wei Xiong bilang Allan Lim na binanggit umano ni dating PNP Deputy Director Eduardo Acierto na isang drug lord.

Aniya, masyadong misleading ang paratang ng post na si Allan Lim ang kanyang kabiyak dahil tanging Jefrey Lin ang ginagamit nito sa lahat ng larangan.

“Clearly, this is misrepresentation done in bad faith to connect my name to one Allan Lim when I do not know who this person is,” giit ni Lin.

“There is no documents or proof to show that Lin Wei Xiong and Allan Lim are one and the same. This is manufactured statement to blacken the reputation of my husband, and therefore, mine as  well,” ayon kay Lin.

Tahasang sinabi ni Lin na mali at malisyoso ang paratang ng Boses ng Bayan ng QC na tinatakan ng Senate Blue Ribbon Committee ang kanyang asawa, na si Lin Wei Xiong aka Allan Lim na isa sa mga business partner (sic) ni Michael Yang.

“Another misleading statement. During the Senate Blue Ribbon Committee probe, I repeatedly clarified that my husband, Lin Wei Xiong, is NOT Allan Lim. This was taken into account and was noted during the hearing,” paliwanag ni Lin.

Nilinaw rin ni Lin na matagal nang na-clear ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanyang asawa sa anomang kasong isinampa dito kaya’t walang katotohanan ang paratang ng Boses ng Bayan ng QC na sangkot ito sa droga.

Hinggil sa kasong cyber libel, sinabi ni Lin na nakita ng kanyang abogado na matinding nilabag ng Boses ng Bayan ng QC ang naturang batas dahil kumpleto ang elementong magdidiin sa sinoman sa kasong libelo.

Bukod sa lantaran at tahasang binanggit ang kanyang pangalan, makikita rin na may malisya ang paratang upang sirain ang kanyang reputasyon bilang mabuting negosyante na tumutulong sa kababayan nito sa lungsod.

“Clearly, the defamatory imputation of the Respondents are presumed to be malicious, even if it be true, and the burden of proving that the same are without malice lies with him. Relevantly, malice or ill will on the part of the Respondent may be inferred especially because I am running for a public position in our city – a congressional seat in District 5 of Quezon City, thus I am subject to public scrutiny,” ayon sa affidavit ni Lin.

Nilabag din umano ng Boses ng Bayan ng QC ang Child Abuse Law nang ilathala nito ang litrato ng kanyang dalawang anak sa Facebook.

151

Related posts

Leave a Comment